^

PM Sports

Posse Left dinagdagan ang kita ni Mayor Abalos

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang kita na hatid ng mga kabayo ni Mandalu-yong City Mayor Benhur Abalos nang manalo ang Posse Left sa nilahukang karera noong Sabado sa bakuran ng Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sakay ni AR Villegas, ang Posse Left ay tumugon sa paggamit ng hinete ng latigo para maisantabi ang malakas na pagdating ng Top Meat upang manalo sa class division 8-9 na pinaglabanan sa 1,600m distansya.

Ang Mika Mika Mika ang agad na bumandera sa pagbukas ng aparato bago sumunod ang Top Meat habang nasa mala-yong ikatlong puwesto ang Posse Left.

Ganito ang puwesto hanggang sapitin ang tres octavo at dito ay nagtrabaho na ang Posse Left at kinuha na  ang bentahe sa karera.

Ang Jade Jewel ang nakabuntot sa Posse Left pero sa huling kubrada ay naghabol ang Top Meat na sakay ni SD Carmona.

Sa rekta ay dikitan na ang dalawang kabayo pero hindi nilubayan ni Villegas ang kabayo ng latigo para umarangkada pa sa meta tungo sa tatlong dipang agwat.

Naorasan ang Posse Left ng 1:38.4 sa kuwartos na 25, 23, 23’, 27.

Naghatid ang win ng Posse Left ng P10.50 dibidendo habang ang pagpangalawa ng Top Meat na bugaw sa bentahan ng limang nagtagisan ay nagpasok ng P73.50 sa 1-3 forecast.

Samantala, nagpasikat ang Hot And Spicy nang dominahin ang race three na isang 3-Year Old handicap race (5) at pinag-labanan sa isang milyang distansya.

Itinutok agad ni Mark Alvarez ang Hot And Spicy sa Big Leb na siyang nagdidikta sa karera.

Sa kalagitnaan ng karera ay nasa unahan na ang Hot And Spicy pero mainit na rin ang Boss Jaden na ginagabayan ni Jeff Bacaycay.

Sa rekta ay nasa balya at una na ang Boss Jaden pero nakuha uli ng Hot And Spicy ang lakas para makaremate at manalo ng isang ulo lamang sa meta.

Ang dalawang kabayo na naglaban ay parehong premyadong kabayo noong nakaraang taon bilang mga 2-year old horses at inaasahang ginamit ng mga handlers ang naipa-kita para madetermina kung isasabak ba o hindi sa 1st leg ng 2013 Triple Crown sa Mayo.

vuukle comment

ANG JADE JEWEL

ANG MIKA MIKA MIKA

BIG LEB

BOSS JADEN

CITY MAYOR BENHUR ABALOS

HOT AND SPICY

JEFF BACAYCAY

LEFT

POSSE LEFT

TOP MEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with