J.R. Smith suspindido sa Game 4 matapos sikuhin si Terry

BOSTON  -- Sinuspindi ng NBA si Knicks guard J.R. Smith nitong Sabado ng gabi  para sa Game 4 ng playoff series ng New York kontra sa Boston matapos sikuhin si Jason Terry ng Celtics sa baba.

Hindi makakalaro ang Sixth Man of the Year sa pagtatangka ng Knicks na kumpletuhin ang four-game sweep sa Linggo.

Taglay ng Knicks ang malaking kalamangan noong Biyernes nang iwasiwas ni Smith na may hawak ng bola, ang kanyang siko sa mukha ni Terry may 7:06 minuto ang natitira.

Binigyan si  Smith ng flagrant foul 2 para sa automatic ejection.

 

Show comments