LARO SA BIYERNES
( Ynares Sports Arena, Pasig City)
5 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors
MANILA, Philippines - Naipasok ni Brian Williams ang isa sa dalawang free throws sa huling 10 segundo para tulungang iÂangat ang winning streak ng San Miguel Beer sa 12 suÂÂnod sa pamamagitan ng 71-69 panalo kontra sa Saigon Heat sa ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa YnaÂres Sports Arena sa Pasig City.
Ang split sa foul ni Chris Sumalinog ang nagtulak sa Beermen sa dalawang puntos na kalamangan bago ang sablay na tres ni Sumalinog upang angkinin na rin ng Beermen ang isa sa dalawang puwesto na magtataglay ng homecourt advantage sa playoffs sa 15-3 karta.
Kampanteng hawak ng Beermen ang 68-63 bentahe nang magpakawala ng magkasunod na tres sina David Palmer at Norman Gonzales para idikit ang Heat sa 69-70 agwat.
Si Williams ay may 19 puntos, habang 18 puntos, 8 rebounds at 3 assists ang idinagdag ni Asi Taulava.
Bumagsak naman ang Heat sa ika-11 sunod na pagÂkatalo.