^

PM Sports

Beermen nilagok ang ika-12 sunod

ATan - Pang-masa

LARO SA BIYERNES

( Ynares Sports Arena, Pasig City)

5 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors

MANILA, Philippines - Naipasok ni Brian Williams ang isa sa dalawang free throws sa huling 10 segundo para tulungang i­angat ang winning streak ng San Miguel Beer sa 12 su­­nod sa pamamagitan ng 71-69 panalo kontra sa Saigon Heat sa ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City.

Ang split sa foul ni Chris Sumalinog ang nagtulak sa Beermen sa dalawang puntos na kalamangan bago ang sablay na tres ni Sumalinog upang angkinin na rin ng Beermen ang isa sa dalawang puwesto na magtataglay ng homecourt advantage sa playoffs sa 15-3 karta.

Kampanteng hawak ng Beermen ang 68-63 bentahe nang magpakawala ng magkasunod na tres sina David Palmer at Norman Gonzales para idikit ang Heat sa 69-70 agwat.

Si Williams ay may 19 puntos, habang 18 puntos, 8 rebounds at 3 assists ang idinagdag ni Asi Taulava.

Bumagsak naman ang Heat sa ika-11 sunod na pag­katalo.

vuukle comment

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHRIS SUMALINOG

DAVID PALMER

INDONESIA WARRIORS

PASIG CITY

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with