NCR athletes nagdomina sa 2013 Palarong Pambansa

MANILA, Philippines - Kumolekta ng mga pa­nalo ang National Capi­tal Region sa baseball at volleyball sa women’s di­­vision at sa elementary baseball para makamit ang overall crown sa 2013 Palarong Pambansa sa pagsasara kahapon sa Gov. Mariano Perdices Me­morial Stadium sa Du­maguete City, Negros Orien­tal.

Namayagpag ang NCR lady spikers kontra sa Cen­tral Visayas sa volley­ball, 25-12, 25-7, 25-1, habang ang NCR La­dy dribblers ay nama­ya­ni laban sa Calabarzon sa basketball, 65-52, at uma­ni ng 6-1 karta sa round robin ang NCR sa elementary baseball para pawiin ang pagkatalo sa ibang ball games at manatiling kampeon sa magka­bilang dibisyon.

Yumukod ang NCR sa Central Visayas sa se­condary men’s basketball, 70-66;  natalo ang men’s volleyball sa Western Visayas, 25-21, 25-12, 19-25, 13-25, 15-11; bigo ang NCR sa baseball, 1-2, at softball, 0-8, sa Western Visayas.

Ngunit hindi pa rin sapat ang kabiguang ito sa mga panalong nakuha sa ibang sports para makalikom ng 596.5 puntos mula sa 227.5 puntos sa elementary at 369 puntos sa secondary.

 

Show comments