MANILA, Philippines - Nakatakdang sagupain ni Filipino juÂnior lightweight contender Michael FaÂreñas si Mexican boxer Gerardo Zayas para sa isang posibleng title shot.
Haharapin ni Fareñas (34-4-4, 26 knockouts) ng Gubat, Sorsogon si Zayas (19-21-2, 11 KOs) sa isang non-title, eight-round fight ngayon sa Erwin Center sa Austin, Texas.
Ang laban nina Fareñas at Zayas ay nasa ilalim ng banggaan nina Raymundo Beltran at Alejandro Rodriguez.
Tumimbang si Fareñas ng 132 pounds, habang si Zayas ay may bigat na 132.5.
Sakaling manalo kay Zayas, may tsanÂsa si Fareñas na hamunin si IBF juÂnior lightweight title-holder Argenis Mendez sa Hulyo 27 sa Venetian Casino & Resort sa Macau, China na makaÂkaÂsama sa undercard ng ikalawang proÂfessional fight ni two-time Olympic gold medalist Zou Shiming.
Nakamit ni Mendez (21-2-0, 11 KOs) ng San Juan de la Maguana, Dominican Republic ang IBF title nang paÂbagsakin si Juan Carlos Salgado sa round four sa kanilang rematch noong Marso.
Ang 28-anyos na si Fareñas ay nangÂgaling sa kabiguan kay Yuriorkis GamÂboa ng Cuba noong Disyembre sa undercard ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez IV.
Natalo si Fareñas kay Gamboa lmula sa isang unanimous decision.