MANILA, Philippines - Inanunsyo ni Denzel Bowles ang kanyang ambisyong manalong muli ng Best Import award nang pangunahan ang isang come-from-behind 71-69 win ng defenÂding champion San Mig Coffee kontra sa Alaska sa Game 1 ng kanilang seÂmifinals series para sa 2013 PBA CommissioÂner’s Cup kaÂgabi sa Smart AraÂneta CoÂliseum.
Iniskor ni Bowles ang pito sa kanyang 12 puntos sa fourth quarter, kabilang na ang huling anim na puntos ng Mixers sa huÂling 71 segundo ng laro, para bigyan ang kanyang koponan ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five seÂmis wars at kumpletuÂhin ang kanilang pagbabalik mula sa isang 64-59 pagkabaon sa 4:09 minuto sa laro.
“He’s just a big moment guy. He knows how to shine in big moments in the end,†ani San Mig Coffee head coach Tim Cone kay Bowles na baÂgama’t itinabla ang kanyang pinakamababang isÂkor sa conference ay naÂipanalo pa rin ang Mixers.
Ang Best Import winner noong nakaraang taon nang napanalunan ng daÂting B-Meg sa kamÂpeoÂnato ay nagdagdag ng 13 rebounds, 6 assists, 3 shotblocks at 2 steals.
Samantala, bagama’t tiÂnambaÂkan nang husto ng kanyang koponan ang Talk ‘N Text at bigyan ng mensahe sa simula ng kanilang semis series, piÂnaghahandaan ni Barangay Ginebra coach AlÂfrancis Chua ang pagÂbaÂÂÂbalik ng kanilang kaÂÂlaÂÂban.
“For sure they will come back. Champion team ‘yan at champion coach, babalik at babalik ‘yan. We just have to be reaÂdy kung ano ibibigay niÂla sa amin,†pahayag ni Chua matapos ang 104-81 pananambak sa Tropang Texters sa Game 1 noong Biyernes.
Sa harap ng 14,627 fans sa Big Dome ay dinisisyunan na agad ng Barangay Ginebra ang laro sa first quarter pa lamang kung saan lumamang sila ng umabot sa 18 puntos na lumobo pa sa 29 bago natapos ang laro.
Sinabi ni TNT head coach Norman Black na hindi sila nakasabay sa Kings.
San Mig Coffee 71 - Simon 15, Barroca 13, Bowles 12, Yap 10, Devance 6, Gonzales 5, Pingris 5, Reavis 2, De Ocampo 2, Mallari 1, Najorda 0.
Alaska 69 - Dozier 21, Abueva 9, Hontiveros 8, Thoss 7, Baguio 7, Jazul 6, Casio 6, Espinas 5, Dela Cruz 0, Belasco 0.
Quarterscores: 7-11; 24-21; 50-48; 71-69.