MANILA, Philippines - Nakuha ng Speed Maker ang ikalawang sunod sa mas mataas na grupo na nangyari noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si LT Cuadra Jr. ang hinete uli ng kabayo na kondisÂyon na tumakbo sa race 2 na isang Summer Racing FesÂtival na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom) at Philippine Racing Club Inc.
Hindi tumiklop ang Speed Maker sa ipinakitang maÂlakas na ayre patungo sa banderang-tapos sa 1,100 metrong distansyang karera para masundan ang naÂitalang panalo noong Abril 19.
Ang labanan ay nauwi sa pangalawang puwesto at mahusay na naisingit ni RR Camañero ang dalang Fearless Boss sa balya para maungusan ang dating naÂsa ikalawang puwesto na Pudolski.
Ang pagsegundo ng Fearless Boss, hindi tumimbang sa huling takbo noong Abril 10, ay nagresulta paÂra magdiwang ang mga dehadista dahil ang ibinigay sa dehadong 7-1 forecast ay umabot sa P2,839.00.
Nasa P26.50 ang ipinamahagi sa win, habang ang trifecta na 7-1-5 kumbiÂnasÂyon ay may mas malaÂking P8,484.00.
Nakatikim ang Kat Kat ng ikalawang panalo sa huling tatlong takbo sa buÂwang kasalukuyan maÂtaÂÂpos pangibabawan ang race 8 na pinaglabanan sa 1,300m.
Mahusay na ginamitan ni JV Ponce ng latigo ang Kat Kat para tumulin at lampas ang lamang na I’m Your Boy ni NK CaliÂngasan para sa ikatlong suÂnod na segundo puwesÂtong pagtatapos.
Nagpamahagi ang patok na Kat Kat ng P6.50, haÂbang ang 7-4 forecast ay umabot sa P16.50.
Si jockey Jeff Zarate naÂÂman ang lumabas bilang winningest jockey maÂÂÂtapos makapaghatid ng daÂÂÂlawang panalo.
Unang naipanalo ni ZaÂÂrate ay ang kabayong High Voltage sa race three baÂgo isinunod ang Raon sa race 5.
Ikalawang dikit na panalo ang naitala ng High VolÂtage, habang ang Raon ay nanalong muli.