LOS ANGELES - Bukod kay NBA superstar KoÂbe Bryant, hindi na rin makakapaglaro para sa Los Angeles Lakers si guard Steve Blake at posibleng pati si veÂteÂran Steve Nash.
Sinabi ng Lakers na maaaring maupo si Nash, isang two-time NBA Most Valuable Player, para sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round series kontra sa San Antonio sa Biyernes matapos luÂmaÂla ang kanyang hamstring injury sa 91-102 tagumÂpay ng Spurs noong Miyerkules.
Inilubog ng Spurs ang Lakers sa 0-2 sa kanilang best-of-seven series.
Nakita naman sa MRI exam ni Blake ang isang moÂderate strain sa kanyang right hamstring.
At sa ikalawang sunod na laro ay uupo si guard Jodie Meeks dahil sa kanyang ankle sprain injury.
Si Blake ang sumalo sa puwestong naiwan ni Bryant, nakalasap ng isang season-ending Achilles’ tendon tear sa huling linggo ng regular season.
Hindi naglaro si Nash sa huling walong laban ng Los Angeles sa regular season dahil sa kanyang hamstring problems.