^

PM Sports

Blake hindi makakalaro para sa Lakers sa Game 3

Pang-masa

LOS ANGELES - Bukod kay NBA superstar Ko­be Bryant, hindi na rin makakapaglaro para sa Los Angeles Lakers si guard Steve Blake at posibleng pati si ve­te­ran Steve Nash.

Sinabi ng Lakers na maaaring maupo si Nash, isang two-time NBA Most Valuable Player, para sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round series kontra sa San Antonio sa Biyernes matapos lu­ma­la ang kanyang hamstring injury sa 91-102 tagum­pay ng Spurs noong Miyerkules.

Inilubog ng Spurs ang Lakers sa 0-2 sa kanilang best-of-seven series.

Nakita naman sa MRI exam ni Blake ang isang  mo­derate strain sa kanyang right hamstring.

At sa ikalawang sunod na laro ay uupo si guard Jodie Meeks dahil sa kanyang ankle sprain injury.

Si Blake ang sumalo sa puwestong naiwan ni Bryant, nakalasap ng isang season-ending Achilles’ tendon tear sa huling linggo ng regular season.

Hindi naglaro si Nash sa huling walong laban ng Los Angeles sa regular season dahil sa kanyang hamstring problems.

BRYANT

JODIE MEEKS

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MOST VALUABLE PLAYER

SAN ANTONIO

SHY

SI BLAKE

STEVE BLAKE

STEVE NASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with