MIAMI -- Sinusubukan ni NBA MVP LeBron James na makaipon ng pondo para sa mga naging bikÂtiÂma ng December massacre sa Sandy Hook Elementary School.
Ang kanyang suot na sneakers sa laro ng Miami laban sa Washington noong Disyembre 15 - isang araw maÂtapos ang nasabing trahedya sa Newtown, Conn., kung saan 20 first-graders at anim na guro ang napatay - ay ibinebenta sa online auction hanggang Sabado.
Ang malilikom na pondo ay ibibigay ni James sa NewÂtown Memorial Fund sa pamamagitan ng LeBron James Family Foundation.
Ang pirma ni James ay nasa isang sapatos, habang sa isa naman ay may nakasulat na ‘’vs. Wizards 12/15/12 Never forget!!’’ .
Humigit-kumulang sa $5,000 ang magiging presyo ng sapatos ni James.