Castrillo, Bondad nagbida

MANILA, Philippines - Gumawa ng bagong marka si Joida Gagnao para sa Western Visayas track team, habang nakumpleto nina Regina Erin Castrillo at Catherine Bondad ng NCR ang target na pitong ginto sa swimming sa 2013 Pala­rong Pambansa sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ti­nabunan  ng 17-anyos na si Gagnao ang 10:34.1 mar­ka ng dating kasamahang si Juneza Mie Sustituedo na ginawa noong nakaraang taon sa kanyang 10:22.6 oras sa secondary girls 3,000-meter run.

Sa pool events, hinirang ang 12-anyos na si Castrillo at ang 17-anyos na si Bondad bilang most bemedalled swimmers sa kababaihan nang manalo ng pitong gintong medalya.

Tinapos ni Castrillo ang kampanya sa pamamagitan ng panalo sa 50-meter freestyle at nagtala ng apat na bagong Palaro records.

Si Bondad ay nagkampeon sa 200-m free at sa 4x100-m free relay para maging pinakamahusay sa secondary girls.

Show comments