Lumabas ang bangis ng King Patrick

MANILA, Philippines - Nakitaan ng bangis sa rekta ang King Patrick para mapagharian ang nilahukang karera noong Miyerkules sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si JPA Guce ang hinete ng kabayo na mahusay na nakapuwesto sa huling kurbada upang malagay sa unahan pagsapit sa rekta sa karerang inilagay sa maigsing 1,000m distansya.

May 13 kabayo ang naglaban-laban at naunang lumayo ang Buy For Sari at Be Open pero nalunod ang dalawang kaba-yong ito nang nagdagsaan ang mga nasa likod.

Ang panalo ay nagkahalaga ng added prize na P12,000.00 mula sa P20,000.00 na isinahog ng Philippine Racing Commission (Philracom) at ng host club na Metro Manila Turf Club.

Nakuha naman ng Sparking Rule ang pinaka-impressibong panalo sa gabi para kunin din ang added prize na P24,000.00 sa race  6 na inilagay sa 1,400-m distansya.

Magandang alis sa aparato ang nakita sa kabayong hawak ni JT Zarate upang makapagbanderang tapos ito sa anim na kabayong karera.

Lumayo ng halos tatlong dipa ang Sparkling Rule sa kaagahan ng tagisan at hindi na ito nanlamig pa tungo sa dominanteng panalo.

Ang Dream Of All ni Pat Dilema ang pumanga-lawa sa datingan para magkaroon din ng P9,000.00 premyo sa karerang kabahagi ng 2013 Summer Ra-cing Festival.

Lilipat naman sa Manila Jockey Club ang pista ngayong gabi sa paghahain ng 11 karera.

Show comments