Garnett lalaro sa Game 3 kahit may hip injury

BOSTON -- Naglakad si Kevin Garnett papunta sa Boston bench hawak ang sumasakit na baywang at tinanong ni Celtics coach Doc Rivers ang kanyang big man kung gusto nitong magpahinga.

Ngunit hindi sumagot si Garnett.

“He’s good. He’s good to go,’’ sabi ni Rivers sa isang conference call sa mga reporters.  “He’ll practice tomorrow, and he’ll play on Friday.’’

Sambot ni Garnett ang kanyang tiyan nang tu-malon para sa rebound sa kaagahan ng fourth quarter, subalit ayaw niyang palitan siya ni Rivers.

“He got hit in the hip, very similar to having a hip pointer in football. It’s affecting him. I was concerned he was grabbing something else,’’ ani Rivers. “In a couple timeouts, I was asking if he was OK.’’

Dalawang fouls ang kaagad nakuha ni Garnett sa first quarter at nalagay sa foul trouble sa kabuuan ng Game 2 laban sa New York Knicks.

Naglaro si Garnett sa loob ng 24 minuto sa kanilang 71-87 kabiguan sa New York sa Game 2 at tumapos na may 12 points at 11 rebounds.

“Fouls are part of the game,’’ wika ni Garnett. “I have to position myself not to foul so much.’’

Umiskor naman si Carmelo Anthony ng 34 points at may 19 si J.R. Smith para sa 2-0 lead ng Knicks kontra sa Celtics.

Nakatakda ang Game 3 sa Biyernes sa Boston.

 

Show comments