Dunlap sinibak ng Charlotte

CHARLOTTE, N.C. -- Tuluyan nang sinibak ng Charlotte Bobcats si coach Mike Dunlap  matapos ang isang season.

Nagtala ang Bobcats ng 21-61 win-loss record sa ila­lim ni Dunlap at tumapos na ikalawang koponang may pinakamasamang kartada matapos ang Orlando Ma­gic.

Nakipag-usap sina Bobcats president of basketball ope­rations Rod Higgins at general manager Rich Cho sa mga players bago lapitan si team ow­ner Michael Jor­dan para ipaalam ang pagpapatalsik kay Dunlap bi­lang coach.

“The change was allowed,” wika ni Higgins.

Nahirapan si Dunlap sa game management mula sa kan­yang isang pagiging college coach.

Show comments