CLEVELAND -- Muling magsasama sina coach Mike Brown at ang mga Cavaliers.
Pumayag si Brown, iginiya ang Cavs sa playoffs sa limang seasons mula noong 2005 hanggang 2010, para magbalik sa Cleveland.
Bagama’t hindi pa pumipirma ng kontrata, tiyak nang muling mamanduhan ni Brown ang Cavaliers para sa susunod na season.
“I’m happy for him,†wika ni LeBron James ng MiaÂÂmi Heat na naglaro para sa Cleveland sa ilalim ni Brown.
“Very happy for him. I think he’s a really good coach, very defensive-minded coach. It’ll be good for those young guys that they have,†dagdag pa nito.
Nagposte si Brown ng 272-138 at inakay ang CaÂvaÂliers sa playoffs sa limang sunod na seasons.
Sa pangunguna ni James, nakita ang Cleveland sa NBA Finals noong 2007.
Sinibak si Brown ni team owner Dan Gilbert matapos matalo ang Cavs sa Boston Celtics noong 2010 EasÂtern Conference semifinals.
Nagdesisyon naman si James na iwanan ang CleÂveÂland bilang isang free agent at lumipat sa Miami.
Isang season ang ginugol ni Brown bilang head coach ng Los Angeles Lakers.
Ngunit sa huling limang laro ng Lakers sa season ay pinatalsik siya ng koponan.
Pinatalsik naman ng Cavs si coach Byron Scott noÂong nakaraang linggo matapos ang pagkakasibak ng tropa sa huling tatlong seasons.
Isa sa mga dahilan ng pagtanggap ni Brown sa alok ng Cavaliers ay ang plano niyang ibalik ang kanyang paÂmilya sa Cleveland.
Si Brown ay matalik na kaibigan ni Cavaliers geneÂral manager Chris Grant.