MANILA, Philippines - Kumabig ng panalo ang Mrs. Teapot sa unang kÂarera na pinaglabanan noong Martes ng gabi sa San LaÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Outstanding favorite ang kabayong sakay ni Jonathan Bacaycay sa karerang nilahukan ng 11 kabayo na nagtagisan sa 1,400 metrong distansya na 3YO-Above Maiden B-C division.
Mataas ang ekspektasyon sa tambalan dahil tumapos ang Mrs. Teapot sa ikatlong puwesto sa A.P. Reyes Stakes race sa hanay ng mga fillies.
Hindi naman nagpabaya si Bacaycay nang ipalabas ang itinatagong tikas ng pagtakbo ng kabayo sa back stretch at sa huling 400-m ng karera ay bumabandera.
Ang third choice at naunang lumayo na Don Andres ay nagsikap na habulin ang Mrs. Teapot.
May lahing Reenact at Mrs. Rainer, ang panalo ay nagÂpamahagi ng P5.50 sa win, habang ang 5-4 forecast ay may P18.00 dibidendo.
Kuminang din ang kabayong Charming Santi na paÂtok din na kabayo at nagdomina sa 2013 Summer RaÂcing Festival na nilahukan ng mga kabayong nasa class division 7 sa 1,300m distansya.