MANILA, Philippines - Binura ni Bryan Jay Pacheco ang record sa seconÂdary boys javelin throw, habang ang mga tankers na siÂna Catherine Bondad at Rafael Barreto ay nagtala ng bagong marka upang katampukan ang mainit na aksÂyon sa ikalawang araw ng Palarong Pambansa sa DuÂmaguete City, Negros Oriental.
Sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium, kuÂmaÂna ng bagong marka ang 16-anyos na si Pacheco nang magtala ng 57.81 meters para tabunan ang 51.51m na hawak ni Danilo Abarra ng Ilocos Region na ginawa noong 2012 sa Lingayen Pangasinan.
Ang panalo ay pambawi ni Pacheco sa pagkatalo sa shotput noong Lunes at ito rin ang kanyang unang ginÂto matapos ang tatlong Palaro.
Si Joshua Patalud ng NCR na siyang nangunguna mula sa una hanggang ikalimang attempts bago nauÂnguÂsan ni Pacheco sa pang-anim na hagis ay nakontento sa pilak sa 56.75m, habang ang shotput gold medal winner na si Renzy John Gemolaga ng Western Visayas ay nalagay sa bronze medal sa 55.10m.