^

PM Sports

Pacheco bumasag ng Palaro record

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binura ni Bryan Jay Pacheco ang record sa secon­dary boys javelin throw, habang ang mga tankers na si­na Catherine Bondad at Rafael Barreto ay nagtala ng bagong marka upang katampukan ang mainit na aks­yon sa ikalawang araw ng Palarong Pambansa sa Du­maguete City, Negros Oriental.

Sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium, ku­ma­na ng bagong marka ang 16-anyos na si Pacheco nang magtala ng 57.81 meters para tabunan ang 51.51m na hawak ni Danilo Abarra ng Ilocos Region na ginawa noong 2012 sa Lingayen Pangasinan.

Ang panalo ay pambawi ni Pacheco sa pagkatalo sa shotput noong Lunes at ito rin ang kanyang unang gin­to matapos ang tatlong Palaro.

Si Joshua Patalud ng NCR na siyang nangunguna mula sa una hanggang ikalimang attempts bago nau­ngu­san ni Pacheco sa pang-anim na hagis ay nakontento sa pilak sa 56.75m, habang ang shotput gold medal winner na si Renzy John Gemolaga ng Western Visayas ay nalagay sa bronze medal sa 55.10m.

BRYAN JAY PACHECO

CATHERINE BONDAD

DANILO ABARRA

ILOCOS REGION

LINGAYEN PANGASINAN

MARIANO PERDICES MEMORIAL STADIUM

NEGROS ORIENTAL

PACHECO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with