^

PM Sports

Western Visayas, NCR athletes kinuha ang unang ginto sa Palaro

Pang-masa

DUMAGUETE CITY, Philippines – Inangkin nina Jeremay Rubias at Renzy John Ge­molaga ng Western Vi­sayas at Jan Resty Lo­renzo ng National Capital Region ang unang mga gintong medalya sa pag­sisi­mula ng 2013 Pala­rong Pambansa kahapon sa Gov. Mariano Perdices Me­morial Stadium.

Naghagis ang 15-an­yos na si Rubias ng 39.59 metro para kunin ang gold medal sa secondary girls’ javelin throw at ungu­san sina Rizalyn Apos (37.89m) ng Caraga at Jo­velyn Notario (36.05m) ng Cagayan Valley.

Ito ang unang gold me­dal ni Rubias sa natu­rang annual multi-sports meet para sa elementa­ry at secondary athletes ma­tapos kumuha ng silver sa elementary division sa 2011 Palarong Pambansa sa Tarlac City.

Isinuko ni Rubias ang kanyang pagiging star­ting center ng Western Vi­sayas’ women’s basketball team para tutukan ang javelin.

Nagtapon ang 17-an­yos na si Gemolaga ng 13.65m para angkinin ang ginto sa shot put event at daigin  sina Central Luzon bet Bryan Jay Pacheco (13.37m) at NCR pride Gar­ry Santiago (13.36m).

Kagaya ni Rubias, ito rin ang unang high school gold medal ni Gemolaga matapos kumuha ng silver sa elementary division sa Tacloban City.

Ang 15-anyos namang si Lorenzo ng NCR ang na­ngibabaw sa secondary boys long jump sa kanyang nilundag na 6.66-m pa­­ra ungusan sina Rafa­el Bueno (6.55m) ng Bicol at Lord John Roilo (6.52m) ng Davao.

Nagtala naman ng mga panalo ang NCR, Ca­labarzon, Central Visa­yas at Wes­tern Visayas sa bas­ketball event.

BRYAN JAY PACHECO

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISA

GEMOLAGA

JAN RESTY LO

RUBIAS

SHY

WESTERN VI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with