MANILA, Philippines - Hindi alam kung kelan makakabalik si Kelly Williams para sa Talk ‘N Text o kung makakabalik pa.
Hindi din kagandahan ang nilalaro ng bagong imÂÂport ng Tropang Texters na si Jerome Jordan, isang 7-footer pero nag-taÂtala ng average na 5.0 reÂbounds sa playoffs.
Pero bagama’t may ilang problema sa frontline, hindi naging balakid ang mga ito para pumasok ang Talk ‘N Text sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Ang isa sa mga dahiÂlan ay ang magandang iniÂÂlalaro ni Ranidel de Ocampo.
Nagtala ng average si De Ocampo ng team-best 19.5 puntos, 5.5 rebounds at tig-isang assist at steal para sa Tropang Texters sa 2-0 pagwalis sa Petron Blaze sa kanilang best-of-three quarterfinals series at mahirang na Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggo mula April 15 hanggang 21.
Bukod sa kanyang mga numero, naging malaking tulong din si De Ocampo sa pagdepensa sa mga higante ng Boosters na sina import Henry Sims at rookie June Mar Fajardo.
“No question, Ranidel was solid as a rock for us in the series versus Petron,†wika ni Talk ‘N Text head coach Norman Black tungkol kay De Ocampo.
“His performance inside the lane and beyond the three-point line was the key,†dagdag ni Black, ang huli bilang pantukoy sa naging 2-of-5 shooting mula sa three-point range ni De Ocampo sa naging 96-86 panalo sa Game 2 ng TNT noong Linggo, at kabuuang 4-of-9 sa serye.
“At this point of the conference he seems fresh and energetic and he recognizes that he really needs to be consistent in the absence of Kelly Williams,†pahayag pa ni Black.
Makakaharap ng Talk ‘N Text sa best-of-five seÂmifinal na magsisimula ang mananalo sa ‘do-or-die’ quarterfinals game ng Rain or Shine at Barangay Ginebra.