^

PM Sports

Tabako namayani sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tamang-tama lamang ang pagpapakawala sa ka­bayong Tabako para kunin ang panalo sa unang karera no­ong Biyernes ng gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si RE Baylon ang hineteng nagdala sa Tabako na nanalo pa kahit nalagay sa malayong pang-apat na puwesto pagpasok ng rekta sa class division 1 race na pi­naglabanan sa 1,000 metrong distansya.

Nagbakbakan sa unahan ang Final Judgement at Be Open ngunit natabunan ang dalawa ng mas mainit na pagdating ng Statuesque  at Tabako.

Angat ng kalahating kabayo ang Statuesque ni Val Dilema pero may nalalabi pang lakas sa mga binti ng Ta­bako para una pang tumawid sa meta.

Lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa pista na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. ang Ta­bako matapos maghatid ng P96.50 sa win, habang mas magandang P1,586.50 ang nakamit ng mga deha­distang nakuha ang forecast combination na 8-3.

Nakapagpasikat din ang Blue Material na hawak ni AM Tancioco matapos ang malakas na pagremate pa­tungo sa panalo sa class division 5 na pinaglabanan sa 1,300 metrong distansya.

Ang Winning Bid pa ni CP Henson ang pumuwesto sa pangalawa.

Nasa P32.50 ang win ng Blue Material, habang 5-6 forecast ay nasa P472.50 dibidendo.

ANG WINNING BID

BE OPEN

BLUE MATERIAL

FINAL JUDGEMENT

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

TABAKO

VAL DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with