MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagÂkaÂkataon ang 3-year old horse na Appointment na maipakita ang kondisyon sa pagtakbo sa Handicap race (4) ngayon sa Metro Turf Club sa Malvar, BaÂtangas.
Race six ang karera sa programa at ito ay magÂsisilbing tune-up ng kaÂbayo upang malaman kung may kakayahang maÂnalo kung isasali sa 20Â13 Philracom Triple Crown Stakes race.
Sa 1,600 metro pagÂlaÂlabanan ang karera na kung saan kasali rin ang mga kabayong Fourth Dan (AR Villegas), HumÂble Submission (LT Cuadra), Gold On Fire (FM Raquel Jr.), Keep The Pledge (EG Reyes) at Kaindara (EM Raquel).
Si Jessie Guce ang diÂdiskarte sa Appointment muÂla sa dating hineteng si Jonathan Hernandez na naihatid ang kabayo sa pang-apat na puwesto sa Philracom Chairman’s Cup noong Marso na piÂnagharian ng Be Humble.
Ang 1st Leg ng Triple Crown ay gagawin sa bagong race track na pag-aari ng Metro ManiÂla Turf Club sa Mayo sa isang milyang distansya kaÂya’t magkakaroon ng pagÂkakataon ang mga may-ari ng kabayo at mga kaÂrerista na makita ang puÂwedeng ipakita ng mga magÂlalaban.
Ang iba pang inaasahang masasama sa talaan ng Triple Crown ay ang El Liberador at Cat’s Silver, Be Humble at kung konÂdisyon ay ang Eurasian.
Isang Handicap I race sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo ang magbubukas sa pista na lalahukan nmg limang kaÂbayo.