MANILA, Philippines - Napangatawanan ng ShiÂning Gold ang malaÂkas na pagremate upang maÂpasama ang mga deÂhadista sa idinaos na kaÂrera noong Huwebes ng gaÂbi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si AR Villegas ang duÂmiskarte sa nasabing kaÂbayo na nakipagsukatan sa 13 iba pang katunggali sa class division 1 na inilagay sa 1,000 metrong disÂÂtansya.
Ang Jade’s Song ang naÂunang bumandera baÂgo sumunod ang Show MasÂter at sakay ang ShiÂning Gold pero pagpaÂsok sa huling 400-m ng kaÂrera ay bumulusok na ang nanalong kabayo para agawin ang kalamangan.
Sinikap ng Telenovela na sakay ni Jonathan HerÂnandez at galing din sa likod na habulin ang naÂsa outer lane na Shining Gold.
Di napaboran ang ShiÂÂning Gold dahil sa hindi magandang ipinaÂkita sa mga nagdaang kaÂrera kaÂya’t nagpista ang mga naÂnalig sa husay ng kaÂbayo maÂtapos magpamahagi ng P98.50 sa win, habang ang 13-2 forecast ay may mas malaking P859.00 diÂbiÂdendo.
Lumabas naman bilang mga patok na kabayo na nanalo sa bakuran ng bagong race track na MeÂtro Manila Turf Club ay ang Escolta, Saint Tropez at Mas Masaya ang Pinas.
Ang Escolta ay kumaÂrera sa class division 4 sa 1,000m at hiniya ng kaÂbaÂyong sakay ni CB Tamano ang Security Prince para magkaroon ng dibidendo sa win na P8.00 at P36.00 sa 2-5 forecast.
Nanaig naman ang Saint Tropez sa Color My World para makapaghatid ang kabayong diniskartehan ni Pat Dilema ng P8.00 sa win at P28.00- sa 2-7 forecast.
Ang Mas Masaya sa PiÂÂnas ay nagpamahagi rin ng P8.00 sa win sa taÂgumpay sa 3YO Handicap (1) race na pinaglabanan sa 1,400m distansya.
Nanaig ang kabayong sakay ni Fernando Raquel Jr. sa The Fountainhead ni DH Borbe patungo sa P14.50 dibidendo sa 3-6 forecast.