Arellano puputok sa Asian Youth Games

MANILA, Philippines - Dadaanin ng 15-anyos na si Celdon Arellano sa ma­susing pagsasanay ang kabang nararamdaman sa paglahok sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto 16-24.

Si Arellano ay isa sa limang batang shooters na nag­mula sa National Youth Development Program na itin­atag ni national shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla na tinapik para mapabilang sa shooting team sa AYG.

Ang incoming fourth year high school ng Kalaya­an National High School sa Parañaque City ang siyang si­nasabing may malaking potensyal na manalo ng medalya sa nasabing kompetisyon matapos makapu­tok ng 591 sa national qualifying noong Enero.

Ang puntos ay higit ng dalawa sa shooter na nanalo ng medalya sa 1st AYG sa Singapore.

“Nararamdaman ko po ang pressure kaya dadaa­nin ko sa tibay ng paniniwala kay Lord at sa gagawin kong pagsasanay,” wika ni Arellano nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan Padre-Faura kahapon.

Bukod kay Arellano, kasama rin sa delegasyon si­na Enrique Gazmin, Angela Dimaculangan, Amparo Acuña at Sophie Reyes, habang ang tatayong head coach ay si Julius Valdez.

 

Show comments