Beermen pinulutan ang Dragons

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Asi Taulava ang pinakamagandang paglalaro sa ASEAN Bas­ketball League para pa­munuan ang ika-10 su­nod na panalo ng San Mi­guel Beer sa pamama­gitan ng 80-62 demolis­yon sa Westports Malaysia Dra­gons kagabi sa Yña­res Sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Hindi napigil ang 40-anyos na si Taulava sa huling 20 minuto ng la­banan nang ibagsak ni­ya ang 20 sa kanyang season-high na 26 puntos para lumawig pa ang na­­ngu­ngunang karta ng Beer­men sa 13-3.

“We’re just pla­ying the San Miguel Beer brand of play,” wika ni Tau­lava na may 13-of-19 fieldgoal shooting.

“Right now, we’re just getting ready for the playoffs. It doesn’t matter who we play, we just want to have that momentum into the playoffs,” dag­dag ng Fil-Tongan.

Binuksan ng Beermen ang tagisan sa ikatlong yugto gamit ang 10-0 bomba at si Taulava ay naghatid ng 8 puntos upang ang 35-34 iskor ay na­ging 45-34 kalama­ngan.

May walong puntos pa sa huling yugto si Taulava habang ang pamalit na si Hans Thiele ay may 8 sa 10 puntos sa yugto at ang Beermen ay nakapagtala ng pinakamalaking kalamangan sa laro, 70-54.

Limang puntos lamang ang ginawa ni Chris Ban­chero mula sa 2-of-11 shooting pero naroroon si Leo Avenido na may 11, habang si Brian Williams ay nagdagdag ng 13 puntos at 14 boards.

Bumaba ang Dragons sa  9-8 baraha at si Marcus Hubbard ang nanguna sa koponan sa kanyang 15 puntos, 9 boards, 3 steals at 2 blocks.

 

Show comments