MANILA, Philippines - Napanatili ng kabayong Patron ang pormang naipanakita sa huling takbo nang manalo sa 2013 Summer Racing Festival noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si JPA Guce ang hinete ng kabayo sa pagkakataong ito at naisantabi ng tambalan ang ipinataw na piÂnakamabigat na handicap weight sa anim na naglaban sa 1,300 metrong distansya na 58 kilos upang masundan ang tagumpay na kinuha noong Marso 31 sa nasaÂbing karerahan.
Ang Hari Ng Yambo na ginabayan ni JA Guce ang naunang nagdomina sa karera pero sa rekta ay siÂnabayan na ng napaborang Patron.
Hinataw ng latigo ni Guce ang leg winner ng 2011 Triple Crown ngunit wala ng ilalabas pa ang kabayo, haÂbang buong-buo na dumating ang Patron para maÂnalo ng isang dipang layo.
Ang anak ng Lion Heart sa Karaoke Dancer at pag-aari ni Leonardo “Sandy
Javier Jr. ay nagbigay ng P8.50 sa win, habang agn 6-3 forecast ay may P16.00 dibidendo.
Ang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa siyam na karerang nakaprograma sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang Blumentrit na tumakbo sa race five.
Ikatlong sunod na panalo na nangyari sa mas maÂtaas na class division 3 sa 1,300-m ang nasungkit ng BluÂmentrit na sakay ni JA Guce matapos isantabi ang laÂkas ng Malambing ni Dominador Borbe Jr.
Agad na kinuha ng Blumentrit ang liderato matapos magbukas ang aparato at naging follow-the-leader na ang nangyari sa ibang katunggali at pangatawanan ang pagiging paboritong kabayo sa pitong naglaban.
Halos pitong dipa ang layo ng limang taong kabayo na pag-aari ni Hermie Esguerra sa Malambing na seÂcond choice sa karera para makapaghatid ng P6.50 sa win at P14.00 sa 3-6 forecast.