Beermen kinuha ang pang 9 na sunod na panalo

Laro Ngayon

(Yñares Sports Arena, Pasig City)

5 p.m. San Miguel Beer vs Westport Malaysia Dragons

 

MANILA, Philippines - Pinatindi ng San Mi­guel Beer ang paghaha­bol para maging No. 1 sa eliminasyon sa Asean Bas­ketball League nang ku­nin ang ika-siyam na di­kit na panalo laban sa Saigon Heat, 101-49, no­ong Miyerkules ng gabi sa Tan Bihn Stadium sa Viet­nam.

Lahat ng 12 manlala­ro na ginamit ni coach Leo Austria ay umiskor at nilimitahan ng Beermen ang Heat sa 20 puntos sa ikalawa at ikatlong yugto, habang umiskor ang ko­po­nan ng 34 sa ikatlo kung saan inagwatan na ni­la ng 31 puntos, 68-37, ang home team.

Ang 52 puntos na ka­lamangan ang pinakama­bangis sa liga matapos ta­bunan ang 102-61 panalo na nakuha ng Singapore Slingers sa dating kasa­ling Brunei Barracudas no­ong 2011.

Sa unang walong mi­nuto sa first period lamang nakaporma ang Heat nang hawakan ang 13-10 mula sa tres ni Filipino import Chris Sumalinog.

Pero nagpakawala ng tres si Val Acuña para pagningasin ang 13-4 pa­li­tan upang umabante ang Beermen sa, 23-17.

Si Acuña ay may 11 puntos katulad ng mga im­ports na sina Justin at Brian Williams na nagtala rin ng 11 at 10 boards.

May 18 puntos si Asi Tau­lava habang 12 pun tos, 6 assists at 4 steals ang ha­tid ni Chris Banchero.

 

Show comments