MANILA, Philippines - Tinalo ng UST ang San Sebastian, habang naÂngibabaw ang National UniÂversity sa University of San Carlos-Cebu para umabante na sa quarterÂfinals sa Shakey’s V-LeaÂgue Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi nataranta ang TigÂresses mula sa domiÂnanÂteng laro ni Lady Stags import Jeng Bualee na tumapos bitbit ang 38 puntos, kaÂsama ang 35 kills, nang kaÂkitaan ang EsÂpaña-based team ng mas magandang depensa paÂtungo sa 19-25, 25-14, 25-22, 25-22 panalo.
May 14-2 bentahe sa blocks ang UST sa San Sebastian upang pawiin ang 52-58 pagyukod sa attack points at kunin ang ikalawang puwesto sa quarÂterfinals sa Group A.
“Floor defense at maÂgandang serve ang siÂnabi kong dapat naming maÂipakita at masaya ako at ito ay nagawa ng mga plaÂyers,†ani TigresÂses’ mentor Odjie Mamon.
May 18 puntos mula sa 11 kills, 4 blocks at 3 aces si Maika Ortiz para pangunahan ang kanyang koÂponan na sinamahan ang Ateneo (3-0) sa susunod na round.
Bumaba ang Lady Stags sa 0-2 karta at kailaÂngang maipanalo ang daÂlawang laro.