MANILA, Philippines - Simula ngayon ng daÂÂlawang best-of-three quarÂterfinals sa PBA CommisÂsioner’s Cup sa Smart AraÂneta Coliseum kung saÂan pakay ng Petron Blaze na makaulit sa Talk ‘N Text, samantalang hangad naÂman ng defending champion San Mig Coffee ang paÂtuloy nitong pagdomina sa Meralco.
Maghaharap ang Bolts at Mixers sa Game 1 ng kanilang serye sa alas-5:15 ng hapon, habang sa alas-7:30 ng gabi ang salpukan ng Boosters at Tropang TexÂters.
Sa buong kasaysayan ng mga best-of-3 series, 28 na koponang nanalo sa Game 1 sa kabuuang 39 ang nagwagi sa serye.
Alam na alam ni Tim Cone ng San Mig Coffee kung gaano kahalaga ang Game 1 sa isang best-of-3.
“It’s a short series, so that makes Game 1 key,†wika nito.
Hindi na iba kay MeÂralco head coach Ryan GreÂgorio ang pagharap laÂban sa kanyang dating koÂpoÂnan.
“It is an added motivation for us knowing the first time we were 0-2, the next time we won Game 1 but we lost the next two. This time hopefully we can go over the hump and finally barge in the semifinals under a format like this,†paliwanag ni Gregorio.
Dalawang beses ding nagÂharap sa elims ang San Mig Coffee at Meralco na parehong napanalunan ng Mixers, 97-90 (Apr. 13) at 76-71 (Mar. 15).
Pero nahirapan daw sina Cone sa mga panalong iyon.
“We just played Meralco in our last game so we’re both familiar with each other. They are a tough match-up for us with (Eric) Dawson, (Mark) Cardona & (Chris) Ross,†ani Cone.
Tinalo naman ng Petron Blaze ang Talk ‘N Text, 87-76, noong Miyerkules sa pagtatapos ng eliminations
Ang panalong iyon ng Boosters ay nagtapos sa kanilang nine-game losing slump laban sa Tropang Texters mula nang pakaÂwalan ang isang 3-1 bentaÂhe sa kanilang best-of-7 seÂmifinals series sa Philippine Cup noong nakaraang season, ang kanilang huling paghaharap sa isang playoff series bago ang kasalukuyang conference.