Ravina babawi na lang sa susunod na Le Tour

BAGUIO CITY, Philippines   -- Na­ngako ang dating kam­peong si Jonipher ‘Baler’ Ravina na babawi sa susu­nod na Le Tour de Fi­lipinas sa 2014.

Ito ay matapos siyang mahubaran ng korona ni Iranagh Ghader Mizbani ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran sa katatapos na four-day cycling event.

“Malakas talaga ang mga Iranians. Ibang level sila kumpara sa atin,” wika ng 31-anyos na si Ravina sa Tabriz na iginiya rin ng 38-anyos na si Mizbani sa pag-angkin sa team overall championship.

“Babawi na lang tayo sa susunod na Le Tour,” dag­dag pa ng tubong Asi­ngan, Pangasinan na tumapos bilang No. 13 at 20 minuto at limang segundo ang agwat sa ipinosteng ti­yempong 16:38:37 ni Miz­bani.

Tanging si John Mark Galedo ang Filipino na may pinakamagandang pu­westong tinapos sa pagi­ging No. 11 at binigyan ng Best Filipino Rider trophy.

Bagama’t kabisado ang rutang Bayombong, Nue­va Vizcaya hanggang Baguio City, hindi naman nakaporma ang mga Fi­lipino cyclists sa mga Ira­nians.

“I have been ri­ding for maybe 20 years, and I think in Asia this maybe the best (course). Very tech­nical, very challen­ging, very beautiful course,” wika ni Mizbani, isang two-time UCI Asia Tour No. 1 rider. sa nasabing ruta.

Ayon kay Mizbani, mas mahusay ang mga Fi­lipino cyclists sa mga sprint.

“They are very good in flat routes, but they have difficulty in clim­bing,” obserbasyon ni Maz­bani sa mga Pinoy cy­clists.

 Kabilang sa mga Filipino riders na nakasaba­yan ni Mizbani ay ang mga retirado at kam­peong si­na Victor Espiritu, Warren Davadilla at Arnel Que­rimit.

“I  think if the Filipino riders will compete regularly in international competitions they will improve,” sabi ni Mizbani.

Inangkin din ng 5-foot-7 na si Mizbani ang green jersey (Sprinter of the Day) mula sa kanyang naipong 17 points la­­ban sa 14 points ni Filipino Cris Joven ng Team American Vinyl.

Si Mizbani ang na­ging ikalawang Iranian na naghari sa Le Tour de Filipinas matapos si Rahim Emami noong 2011.

Si David McCann ng Ireland ang tinanghal na kampeon sa unang edis­yon ng cy­cling event no­ong 20­10.

Show comments