Toronto nalo sa Atlanta

ATLANTA – Nais ng Atlanta Hawks na makapahinga ng husto bago ang playoffs kaya naman hindi sila masyadong gumamit ng energy nitong Martes ng gabi.

Umiskor si  DeMar DeRozan ng 30 points, nag­dag­dag si Rudy Gay ng 22 at naging magaan ang pa­nalo ng Toronto Raptors kontra sa playoff-bound Hawks, 113-96.

Ipinasok ng  Raptors ang two-thirds ng kanilang mga tira sa first half tungo sa 68-51 kung saan nagtala sina  DeRozan ng 19 points at 17 mula kay Gay. Halos puro backups ang lumaro para sa Atlanta na tila hindi interesado sa No. 5 seed ng Eastern Conference.

“I’m going to err on the side of caution,’’ sabi ni Hawks coach Larry Drew.

Bumagsak ang Atlanta na katabla ang Chicago pa­ra sa fifth spot. Matatapos ang regular season ng dalawang koponang ito nitong Miyerkules kung saan ang Hawks ay bibiyahe sa New York  para harapin ang Knicks, habang ang  Bulls ay may home game kontra sa mahinang Washington.

Ang Chicago ang lamang sa tiebreaker.

Sa isa pang laro, dinurog ng Los Angeles Clippers ang Portland Blazers, 93-77.

Kumpleto na ang walong slots na papasok sa playoffs sa Eastern Conference at isang slot na lamang ang natitira sa West na pag­lalabanan ng LA Lakers at ng Utah.

Sa Los Angeles, tinalo ng Clippers ang Portland Trail Blazers, 93-77.

 

Show comments