Stephen Jackson ini-waive ng San Antonio
SAN ANTONIO – Ini-waive ng San Antonio Spurs si forward Stephen Jackson nitong Biyernes para tapusin ang kanyang ikalawang stint sa team.
Ang 13-year NBA veteran ay nag-average ng 6.2 points, 2.8 rebounds, 1.5 assists at 19.5 minutes sa 55 games ngayong season. Sa 849 games sa San Antonio, New Jersey, Atlanta, Indiana, Golden State, Charlotte at Milwaukee, nag-average siya ng 15.3 points, 3.9 rebounds, 3.1 assists, 1.30 steals at 32.1 minutes.
Dahil ini-release siya pagkatapos ng March 1, si Jackson na bahagi ng San Antonio 2003 NBA championship team ay hindi puwedeng lumaro sa playoffs kung makakapirma siya sa ibang team.
Nangyari ito, kalahating oras bago isagawa ang annual team photo shoot ng Spurs.
Sa harap ng maraming injuries, kakalabanin ng San Antonio ang Oklahoma City para sa No. 1 seed sa Western Conference.
Dalawang larong wala si point guard Tony Parker dahil sa nananakit na leeg at left ankle bago nagbalik noong Miyerkules kung saan natalo sila sa Denver at inaaasahan namang hindi na makakalaro sa mga hu-ling games sa season si Manu Ginobili dahil sa napuwersang right hamstring. Mawawala rin ang reserve forward na si Boris Diaw matapos oporahan noong Biyernes para tanggalin ang cyst sa lumbar spine.
- Latest