NEW ORLEANS – Sinabi ng New Orleans Hornets na hindi nila palalaruin ang overall top draft pick na si Anthony Davis sa kanilang huling 3-games dahil sa injury sa kaliwang tuhod.
Nakuha ng 6-foot-10 rookie forward ang injury nang bumangga ito kay Marcus Thornton sa fourth quarter ng kanilang pagkatalo nitong Miyerkules kontra sa Sacramento.