Yao Ming bibisita sa Pinas
MANILA, Philippines - Hindi na makapaghintay si 7-foot-6 Yao Ming na makabisita sa Pilipinas.
Ito ang sinabi kahapon ni Chinese Cultural Council head Pan Peng kaugnay sa pagbisita ng dating Chinese NBA superstar na si Yao kasama ang kanyang koponang Shanghai Sharks sa bansa sa susunod na buwan.
“The entire Shanghai Sharks including Yao himself is really excited and wanting to play here in the Philippines,†wika ni Peng sa kanyang pagdalaw kay Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.
Nagbigay ang Chinese Cultural Council ng mga bagong sports equipment na nagkakahalaga ng P5 milyon sa sports commission.
Sa pagbisita naman ng tropa ng eight-time NBA All-Star center na si Yao, magsasagawa sila ng basketball clinics at makakalaban sa dalawang exhibition games ang PBA selection at ang Smart Gilas Pilipinas II.
Tinalakay nina Peng at Garcia ang seguridad ng pagbisita ng grupo ni Yao at iba pang mi-yembro ng kanilang de-legasyon para sa six-day Philippine-China Friendship Games.
Magdaraos si Yao at ang Sharks ng cage cli-nics bago labanan ang PBA selection sa Mayo 6 sa SM MOA Arena sa Pasay City at ang Gilas II sa Mayo 7 sa Smart Araneta Coliseum para sa kanilang mga exhibition matches.
Ang maiipon na pondo mula sa nasabing mga aktibidades ang idadagdag ng PSC sa pagsasanay at paghahanda ng mga National athletes para sa mga lalahukang kompetisyon kagaya ng 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
- Latest