Triple Crown race sa Mayo 18
MANILA, Philippines - Matapos ang buwan ng Abril ay magkakaroÂon na ng kaunting linaw kung sino ang mga poÂsibÂleng palaban para sa prestihiyosong 2013 TriÂple Crown Championship.
Sa Abril 14 ay itatakbo ang huling tune-up stakes races para sa mga three-year old horses na gaÂgawin sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite.
Tatawaging Dr. AP ReÂyes II at III, ang mga kaÂrerang ito ay bukas para sa mga fillies at colts na maglalaban-laban sa 1,600-metrong distansya.
Ang sukat na ito ang siyang distansya na pagÂlaÂlabanan sa 1st leg ng TriÂple Crown Stakes Race sa Mayo 18 na gagawin sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Pinasarap ang karerang ito sa isinahog na P500,000.00 kabuuang premÂyo.
Ang mananalo ay mag-uÂuwi ng P300,000.00 pero ang mas mahalaga rito ay ang momentum na bitbit paÂpasok sa pagbubukas ng 2013 Triple Crown SeÂries.
Noong nakaraang taÂon, ang kabayong Hagdang Bato ang lumutang sa mga edad tatlong-taong gulang na mga kabayo maÂtapos walisin ang tatlong yugtong karera.
Ang Horse of the Year noÂong nakaraang taon ang ikasiyam pa lamang na kabayo na nakawalis sa tatlong yugtong karera mula nang binigyang buhay ito noong 1978.
Ang iba pang Triple Crown champions ay ang Fair And Square (1981), SkyÂwalker (1983), Time MasÂter (1987), Magic ShowÂtime (1988), Sun DanÂcer (1989), Strong MaÂterial (1996), Real Top (1998) at Silver Story (2001).
Ang mga lahok ni ManÂdaluyong City MaÂyor Benhur Abalos, may-ari rin ng Hagdang Bato, na El Libertador at Cat’s SilÂver ang mga maagang nagpapasikat sa kanilang haÂnay.
Ang Cat’s Silver ay naÂnalo sa dalawang stakes raÂces na Yabut Stakes II at Prieto Cup II habang hari ang El Libertador sa PriÂeÂto Cup III.
Hindi magpapahuli ang Be Humble na tiyak na aani ng atensyon matapos kuminang sa Yabut Stakes III at sa prestihiyosong Philracom Commissioner’s Cup na kung saan ang hiniya ng kabayo ay ang El Libertador.
Tumataginting na P1.8 milyon ang mapapanalunan sa bawat leg ng Triple Crown.
- Latest