^

PM Sports

Filipino netters handa sa New Zealand sa Davis Cup

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagiging eks­per­yensado ng mga man­­­la­laro at pagnanais na big­yan ng panalo ang Pi­­li­pinas ang mga pangu­nahing dahilan sa kung bakit nakaabot ang Philip­pine Davis Cup team sa fi­nals sa Asia-Ocea­nia Zone Group II Tie.

Sa pagdalo ni non-pla­ying team captain Roland Kraut sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Mala­te, binanggit niya na iba ang dedikasyon ng apat na manlalaro na bumuo sa koponan kaya’t nagawa nilang talunin ang Thailand na pinangunahan ng pinakamahusay na tennis player sa South East Asia na si Danai Udomchoke.

“We saw more from our players when they played against the Thais. They were more matured and deep down inside them, they really wanted to win,” wika ni Kraut sa PSA na dinaluhan din ng mga manlalarong sina Ru­ben Gonzales at Johnny Arcilla.

Ang No. 1 player ng ban­sa na si Gonzales ang siyang nagbigay ng pa­na­lo sa host country sa se­mifinals nang kanyang ka­lusin si Udomchoke sa straight sets, 6-4, 6-3, 6-2, patungo sa ikatlong pana­lo sa best-of-five series.

Sa panalong nakuha, ang Pilipinas ay makiki­pag­tuos sa New Zealand sa Setyembre 13 hanggang 15 para madetermina kung sino ang aabante sa Group I sa 2014.

Limang beses nang nag­­laban ang dalawang ban­sa at kahit angat ang Pi­lipinas  sa Kiwis sa 3-2 iskor, ang New Zealand ay umani ng 5-0 sweep noong 2011 sa kanilang bansa.

ANG NO

DANAI UDOMCHOKE

DAVIS CUP

GONZALES

GROUP I

JOHNNY ARCILLA

NEW ZEALAND

ROLAND KRAUT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with