MANILA, Philippines - Ilang beses nang sinabing si NoniÂto ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang suÂsunod sa mga yapak ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
At ilang ulit na ring inihayag ng uniÂfied world super bantamweight titÂlist na marami pa siyang kakaining bigas para mapantayan ang karangalang nakamit ng 34-anyos na si Pacquiao.
“I don’t really think about folloÂwing in his footsteps. I go in there and give the best performance that I can,†saÂbi ng 30-anyos na si Donaire, isang four-division titlist, sa panayam ng Bad Left Hook.
Si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) ang nag-iisang Asian boxer na nagkampeon sa walong magkakaibang weight divisions, habang nagkampeon naman si DoÂnaire (31-1-0, 20 KOs) sa weight classes.
Dalawang beses natalo si Pacquiao noÂong nakaraang taon, samantalang apat naÂman ang naipanalo ni Donaire para hiÂraÂngin bilang ‘2012 Fighter of th Year’ ng iba’t ibang boxing websites.
Nakatakdang labanan ni Donaire, tuÂbong Talibon, Bohol, si Guillermo RiÂgondeaux (11-0-0, 8 KOs) sa Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York.