USC-Cebu masusubukan sa Adamson

Laro ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m. – La Salle-Dasmariñas vs Letran

4 p.m. – Adamson vs University of San Carlos-Cebu

 

MANILA, Philippines - Maipapakita ng University of San Carlos-Cebu ang bangis ng kanilang laro sa pagharap sa Adamson University sa 10th season ng Shakey’s V-League First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Warriors ang kampeon sa CESAFI at winalis nila ang Southwestern University sa finals.

Ang SWU ay dating naglalaro sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may suporta ng Shakey’s Pizza at kampeon ng CESAFI sa huling tatlong edisyon.

Ipaparada ng koponang hawak ni coach Norvie Labuga ang mahuhusay na spikers na sina Chona Gesulga at  Suzette Panis habang kinuha ng Lady Warriors bilang guest players ang dating manlalaro ng University of San Jose Recolletos na sina Regine Obinque at Ma. Abigail Praca.

Ipantatapat ng Lady Falcons ang matitikas na sina Sheila Pineda, Pau Soriano at Mayette Zapanta bukod pa sa paghugot sa dating manlalaro na si Angela Ben-ting na kanilang guest player.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 at ang mana-nalo ay makakasalo ang National University sa lide-rato sa Group B.

Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon ang pagtutuos ng nagbabalik na Letran at NCRAA champion La Salle-Dasmariñas.

Pinalakas ng Lady Knights ang kanilang line-up sa pagkuha uli kay Thai import Patcharee Sangmuang na nais na maipasok ang koponan sa quarterfinals, bagay na hindi niya nagawa noong nakaraang taon.

Tiyak namang makikipagsabayan ang Lady Patriots para magkaroon ng magandang panimula sa ligang may ayuda rin ng Accel at  Mikasa.

Ang beteranong si Jennifer Manzano ang guest player  ng koponan at makikipagtulungan kina Iari at Iumi  Yongco, Monique Tiango at Giselle Bembo.

Ang manananlo sa larong ito ang makakasalo ng two-time defending champion Ateneo na hiniya ang UST, 25-23, 25-23, 25-20, sa pagbubukas ng liga noong Linggo.

Show comments