Big Chill lusot sa Cagayan Valley
Laro ngayon
(Ateneo Blue Eagle gym)
2 p.m. – Blackwater Sports vs Jumbo Plastic
4 p.m. – NLEX vs Café France
MANILA, Philippines - Gumawa ng 21 puntos si Mar Villahermosa para sa Big Chill na hinintay din na sumablay sa mahalagang opensa ang Cagayan Valley tungo sa 93-92 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Naglaho ang 75-62 kalamangan sa unang minuto ng huling yugto, minalas naman ang Ri-sing Suns na naimintis ang isang lay-up ni Ping Eximiniano na nagbigay sana ng kalamangan sa koponan sa huling 10 segundo sa orasan.
Gumanti ng transition points si Terrence Romeo na siyang nagselyo sa ikatlong panalo sa limang laro ng Superchargers.
“Mahalagang panalo ito dahil contender ang Cagayan Valley. Masaya ako dahil hinarap ng mga players ang hamon ng management at coaching staff,†wika ni Sison na napanatili ang panalo-talo ng kampanya sa liga.
Si Mark Bringas ay mayroong 26 puntos para sa Cagayan Valley na ininda ang mahinang panimula para kapusin sa ginawang paghahabol sa labanan.
Naisakatuparan naman ng Cebuana Lhuillier at Boracay Rum na masungkit ang ikaapat na panalo nang talunin ang mga nakaharap.
Pitong manlalaro ng Gems ang umiskor ng hindi bababa sa 10 puntos para ilampaso ang Informatics, 101-76, habang hiniritan ng Waves ang Hog’s Breath ng 72-68 tagumpay sa hu-ling labanan.
May 14 puntos si June Dizon para sa Gems na lumayo agad sa 29-8 sa unang yugto upang iangat ang karta sa 4-2 baraha.
“Hindi namin inisip na sila ang nasa huling puwesto at trinato sila bilang isang contender. Nakikita ko rin na nag-i-improve ang laro ng mga players,†wika ni Gems coach Beaujing Acot.
Ang Icons na pinamunuan ni Jeric Teng na mayroong 26 puntos ay bumaba sa ikalimang sunod na pagkatalo.
- Latest