Bagama’t natalo, Viloria nangakong babangon

MANILA, Philippines - Naranasan na ni Brian ‘The Hawaiin Punch’ Vi­loria na magkampeon at ma­walan ng korona.

Sa kanyang split deci­sion loss kay Mexican chal­lenger Juan Francisco Es­trada noong Sabado ng gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Casino Re­sort Hotel sa Macau, si­­nabi ni Viloria na hindi pa tapos ang kanyang bo­xing career.

“To my Filipino fans, I apologize for letting you down. But I promise you, I will come back from this setback, and make you proud once again,” sa­bi ng 32-anyos na si Viloria sa kanyang Twitter account matapos isuko ang kanyang mga suot na WBO at WBA flyweight titles sa 22-anyos at mas matangkad na si Estrada.

Dahil sa kabiguan, nag­­tapos ang three-year, six-fight winning streak ni Viloria.

Huling nakalasap ng pag­katalo si Viloria no­ong Enero ng 2010 nang agawin sa kanya ni Carlos Tamara ang dating ha­wak niyang IBF light flyweight belt sa Cuneta As­trodome sa Pasay City.

Dati na ring nawalan si Viloria ng WBC light fly­weight crown nang ma­­talo kay Omar Niño Ro­mero no­ong 2006.

Sa kanyang pagba­ngon buhat sa kabiguan kay Tamara, inangkin ni Viloria ang WBO flyweight belt kasunod ang pag-agaw ng WBA title ni  Mexican Hernan `Tyson’ Marquez via tenth-round KO noong nakaraang ta­on.

Ayon kay Viloria, muli siyang babawi para bawiin ang kanyang mga nawalang korona kay Estrada.

“Everybody knows me as the comeback kid. I lost at times, but come back again very strong, and prove to everyone in the boxing world that I’ll be a force to reckon with again,” sabi ng dating US Olympic Games campaigner.

Maaaring hamunin ni Viloria si Estrada para sa isang rematch.

“I just have to do some things I need to do in the gym for me to correct some of those things,” ani Viloria.

 

Show comments