^

PM Sports

3-Pinoy wagi sa undercard ng Viloria-Estrada fight

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago pa man itaya ni unified world flyweight champion Brian Viloria ang kanyang mga WBO at WBA titles kontra kay Mexican challenger Juan Francisco Estrada kagabi ay tatlong Filipino fighters ang umiskor ng panalo sa Venetian Casino and Resort Hotel sa Macau.

Parehong nagtala ng tagumpay ang magkapatid na Dodie Boy Jr. at Dave Peñalosa bukod pa kay Milan Melindo sa undercard ng Viloria-Estrada championship fight.

Tinalo ni Dodie Boy, Jr. si Ngaotawan Sithsaisong ng Thailand sa pamamagitan ng isang third-round knockout sa kanilang non-title, super bantamweight bout.

Tinapos ni Dodie Boy, Jr. si Sithsaisong sa 2:54 ng third round.

Iniangat ng 22-anyos na si Dodie Boy, Jr. ang kanyang win-loss-draw ring record sa 11-0-0 kasama ang 11 KOs kumpara sa 4-5-0 (3 KOs) ni Sithsaisong.

Nagposte din si Dave ng isang KO victory nang patulugin si  Cheroenchai Sithsaithong sa second round sa kanilang non-title, super bantamweight fight.

 Nauna nang pinatumba ni Dave ang kanyang Thai rival sa first round bago ito tinapos sa hu-ling 29 segundo sa second round para sa kanyang 6-0-0 (4 KOs) card.

Pinatulog naman ni Melindo si  Tommy Seran ng Indonesia sa 2:238 ng fourth round sa kanilang non-title, flyweight bout.

Pinaganda ng 25-an-yos na si Melindo ang kanyang baraha sa 28-0-0 (12 KOs) laban sa 29-anyos na si Seran (23-2-0, 14 KOs).

BRIAN VILORIA

CHEROENCHAI SITHSAITHONG

DAVE PE

DODIE BOY

DODIE BOY JR.

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MELINDO

MILAN MELINDO

NGAOTAWAN SITHSAISONG

SITHSAISONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with