MACAU – Ilang beses nang nabasa ni Brian Viloria ang fight resume ni Juan Francisco Estrada.
Ngunit mayroon pa rin siyang hindi natitiyak kay Estrada.
“I’m not too sure how well he takes punches,†sabi ni Viloria sa press conference kahapon para sa “Fists of Gold†card sa The Venetian Casino Resort.
“So I’m going to have to test that a little bit. I don’t know if he can take the body shots. I want to test that early. I want to see his ability,†dagdag pa ng Filipino world flyweight champion.
Itataya ni Viloria ang kanyang mga hawak na WBO at WBA flyweight titles laban kay Estrada bukas sa Cotai Arena.
Maganda ang porma at kondisyon ni Viloria at handang-handa na laban kay Estrada.
Sinabi niyang tini-tingnan niya ang kanyang timbang at kamakalawa ay nagkaroon sila ng steak dinner ng kanyang asawang si Erika sa isang Italian restaurant.
Ang official weigh-in ay nakatakda ngayong alas-2:30 ng hapon.
Alam ng 32-anyos na Filipino kung gaano kahusay si Estrada.
“He’s the high-output type of guy. He puts a lot of combinations and he throws a lot of punches. He likes to throw uppercuts,†sabi ni Viloria kay Estrada.
“But I’m not too sure how well he takes punches. I’m going see a lot and adjust throughout the fight then pick the best way for me to beat him,†dagdag pa nito.
Simula noong Hulyo ng 2010 ay anim na sunod na panalo ang kinuha ni Viloria laban kina Omar Sotto, Giovanni Segura, Omar Niño Romero at Hernan ‘Tyson’ Marquez.
Pinabagsak ni Viloria sina Segura, Romero at Marquez, at umaasa siyang ito rin ang sasapitin ni Estrada.