MANILA, Philippines - Apat na koponan ang nakikitang magiging contender para sa kampeonato sa 10th Shakey’s V-League First Conference na magbubukas sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Ang mga koponang binanggit ng mga opisyales na nasa likod ng liga sa pangunguna nina Sports Vision president Ricky Palou at chairman Moying Martelino ay ang nagdedepensang kampeong Ateneo, UST, San Sebastian at baguhang Arellano University.
“We can expect good games from UST, San Sebastian and Arelllano because they have good guest players,†wika ni Palou sa pagdalo ng grupo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
“We have ten teams competing, including two new provincial teams. The chances of the teams however will depend of the quality of their guest players but we are very confident that competition will be very keen,†dagdag ni Martelino.
Ang UST na siyang may pinakamaraming titulo sa liga sa kanilang napanalunang anim, ay magpaparada ng mga dati nilang manlalaro na sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo. Kinuha uli ng San Sebastian si Thai import Jeng Bualee at Suzanne Roces habang hinatak ng Arellano ang dating mga National players na sina Nene Bautista at Mary Jane Balse.
Wala naman sa Ateneo ang mahusay na si Lithawat Kesinee pero kinuha ng two-time defending champion sina Rachel Ann Daquis at Aerieal Patno-ngon para itambal sa mga datihan nang sina Alyssa Valdez, Jem Ferrer, Dzi Gervacio at Fille Cainglet.
“Andiyan pa rin ang Ateneo at contender pa rin kami. Nasa Vietnam naglalaro si Kesinee pero nakuha namin si Daquis na magaling na open spiker at blocking na kulang ng team. Si Patnongon ay dati rin naming player na matangkad at makakatulong sa blocking,†pahayag pa ni Palou na athletic director din ng Ateneo.
Ang mga baguhang provincial teams ay ang La Salle Dasmariñas at University of San Carlos-Cebu na kampeon ng NCRAA at CESAFI habang ang iba pang kasali ay ang NCAA champion team na Perpe-tual Help, Adamson, National University at ang nagbabalik na Letran.
Nagpapaigting sa lahat ng kasali na pagharian ang torneo dahil sa P100,000.00 gantimpala na ibibigay sa mananalong koponan.
Nasa pagpupulong din si Shakey’s EVP at COO Vic Gregorio bukod pa kina brand manager Koy Castillo at PR and Events Officer Jam Evaristo at tiniyak ni Gregorio ang patuloy na pagsuporta ng Shakey’s sa women’s volleyball.