^

PM Sports

Skittles candy kinalolokohan ni Beasley

Pang-masa

PHOENIX --- Kung nagulat kayo sa pagkahumaling ni football player Marshawn Lynch ng Seattle Sea­hawks sa Skittles candy, mas lalo kayong mamamangha sa pagkaloko rito ni forward Michael Beasley ng Phoe­nix Suns.

Sa isang panayam ng Arizona Republic, inamin ni Beasley na kahit na binabawasan niya ang pagkain ng Skittles ay nakakaubos pa rin siya nito ng anim hanggang pitong karton bawat araw.

Ito ay naglalaman ng halos 1,380 calories at 258 grams ng asukal.

Nang tinanong kung pinapayagan siya ng kanilang mga team trainers at dietians na kumain ng Skittles, sinabi ni Beasley na itinigil na niya ang pagkain nito sa arena.

“I just eat them at home and keep them to myself,” wika ni Beasley. “My favorite pack is the wild berry -- the best, by far. I like to stick with the wild berry. The red pack is original so it’s always going to be good, but that wild berry takes it to another level.”

Ngunit hindi lamang si Beasley ang nahuhumaling sa nasabing fruit-flavored candy.

Minsan nang nagkaroon si Derrick Rose, ang No. 1 overall pick noong 2008 NBA Draft kasunod si Beasley, ng isang custom-made Skittles vending machine sa kanyang tahanan.

ARIZONA REPUBLIC

BEASLEY

DERRICK ROSE

MARSHAWN LYNCH

MICHAEL BEASLEY

MINSAN

NANG

NGUNIT

SEATTLE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with