Yao Ming darating sa bansa sa Mayo 3

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Philippine Sports Com­mission ang pagbisi­ta sa bansa sa susunod na bu­wan ni dating Houston Rockets superstar Yao Ming ng China.

Dadalhin ng 7-foot-6 na si Yao sa bansa ang kanyang Shainghai Sharks kung saan siya tu­matayong team owner at president para sa Philip­pine-China Friendship Games na nakatakda sa Ma­yo 3-8.

Makakaharap ng Sharks ni Yao sa dalawang exhi­bition games ang Gilas Pi­lipinas ng Sa­mahang Basketbol ng Pi­lipinas sa Mayo 6 sa SM MOA Arena sa Pasay Ci­ty at ang PBA selection team sa Mayo 7 sa Smart Ara­neta Coliseum.

Gagamitin ng Gilas Pi­lipinas ang kanilang ex­hi­­bition game ng Sharks bilang paghahanda para sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na na­katakda sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena.

Tatlong tiket ang naka­taya para sa naturang qua­lifying tournament ng 2014 FIBA World Championship sa Spain.

Ang koponan ni Yao ay bahagi ng isang 48-man delegation na kabibilangan ng mga opisyales ng China Sports Ministry mula sa ka­nilang kasun­du­an ng PSC.

Posibleng maglaro ng ilang minuto ang eight-time NBA All-Star na si Yao para mapasaya ang kanyang mga Filipino fans.

“In our talks, he really likes the idea of playing in the exhibition games,” wi­ka ni Lauro Domingo, ba­hagi ng PSC organizing group.

Show comments