Viloria handa na laban kay Estrada
MANILA, Philippines - Bagama’t tatlong libra ang sobra para makuha ang weight limit na 112 pounds, hindi naman ito ikinababahala ni unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria.
Sinabi ng 32-anyos na si Viloria na makakamit niya ang weight limit sa kanilang official weigh-in ni Mexican challenger Juan ‘El Gallo’ Estrada bago ang salpukan nila sa Abril 6 sa Venetian MaÂcao Resort Hotel sa China.
“Viloria hasn’t had to drain himself at all,†wika ni Gary Gittelsohn, ang maÂnager ni Viloria.
Nasa maigting na pagsasanay pa rin si Viloria sa ilalim ni Filipino traiÂner Marvin Somodio at MeÂxican assistant trainer RuÂben Gomez.
Nakatakdang itaya ni Viloria ang kanyang mga suot na World BoÂxing Organization at World BoÂÂxing Association flyweight titles laban sa 22-anyos na si Estrada.
Tangan ni Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, habang hawak naman ni Estrada ang kanyang 22-2-0 (17 KOs) slate.
Sa kanyang pag-eenÂsaÂyo sa Wild Card BoÂxing Club ni trainer Freddie Roach, nakasabayan niÂya si two-time Olympic Gold medalist Zou Shiming ng China.
Makikita para sa kanÂyang pro debut ang 31-anyos na si Shiming, isang three-time gold medal winÂner ng World Amateur Boxing Championships.
Makakaharap ni ShiÂming si Mexican Eleazar VaÂlenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang four-round, flyweight bout.
Naidepensa ni Viloria ang kanyang WBO belt laban kay Mexican Omar Niño Romero (31-5-2, 13 KOs) mula sa isang ninth-round TKO win noong Mayo 13, 2012.
Inagaw ni Viloria kay Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez (34-3-0, 25 KOs) ang hawak nitong WBA crown noong NobÂyembre 17, 2012 sa Los AnÂgeles, USA.
- Latest