MANILA, Philippines - Bumalik ang dating maÂtikas na kondisyon ng Amsterdam para mapasaÂya ang mga dehadistang tuÂmangkilik sa karera noÂong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si jockey RL Lagrata ang hinete muli ng nasabing kabayo na lumahok sa isang Handicap Race (8) karibal ang 13 katungÂgali na nagsukatan sa 1,300-metrong distansya.
Bukod sa maraming kaÂlaban, napalaban pa ang Amsterdam sa kondisyon ding Tucker’s Diamond na galing sa panalo, pang-apat at pangalawang puwestong pagtatapos sa huÂling tatlong karera sa buÂwan ng Marso.
Ngunit handa sa laban ang Amsterdam na baÂgama't nanalo noong Marso 15 ay tumapos lamang sa ika-limang puwesto sa huling laban noong Marso 20 na ginawa sa Metro Turf Club Inc.
Ang hindi inaasahang paÂnalo ay naghatid ng maÂgandang dibidendo na puÂmalo sa P72.00 sa win para maging pinakadehadong kabayo na nanalo sa 11 karerang pinaglabaÂnan.
Halagang P223.00 ang ipinasok ng mga nanalo sa husay ng Amsterdam at Tucker’s Diamond sa 2-4 forecast.
Ang mga hindi gaaÂnong napaborang mga kaÂbayo ang kuminang sa pagÂbabalik ng pista matapos ang dalawang araw na pamamahinga nang guÂnitain ng sambayanan ang Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Ang Honour Class na tumakbo kasama ang Flying Honour ang nagpasiÂmula sa pamamayagpag ng mga dehadista nang maÂnalo ang kabayo sa race one.
Pumangalawa ang BuÂko Maxx at ang tambaÂlang 8-6 ay nagkahalaga ng P285.00 sa forecast maÂtapos ang P52.00 dibidendo sa win.
Nakabawi naman si FerÂÂnando Raquel Jr. sa hinÂdi magandang pagdiskarte sa Angat Ang Pinoy matapos manalo ang tambalan sa race 10 sa 1,300m karera.
Pumang-apat ang tambalan noong MarÂso 16 sa isang class division 5 race, ngunit ibayong takbo ang nakita sa kabayo nang manalo sa Chief Joesan.
Pumalo ang win sa P49.50, habang ang forecast na 4-5 ay nasa P470.00 dibidendo.