SACRAMENTO, Calif. -- Nalampasan ni Kobe Bryant si Los Angeles Lakers great Wilt Chamberlain paÂra sa ikaapat na posisyon sa career scoring list ng NBA.
Ginawa ito ni Bryant nang isalpak ang isang pull-up jumper sa free throw line sa 7:54 minuto sa second quarter para ungusan ang 31,419 points ni Chamberlain.
Nauna na niyang tinablahan ang naturang marka ni Chamberlain mula sa isang layup.
Si Kareem Abdul-Jabbar ang patuloy na nanguÂnguÂna sa career scoring list ng NBA mula sa kanyang 38,387 points.
Siya ay sinusundan nina Karl Malone (36,928) at MiÂchael Jordan (32,292).
Ang 34-anyos na si Bryant ay nasa kanyang pang-17 season para sa Lakers.
“I just want No. 6, man,†sabi ni Bryant sa kanyang inaasam na ikaanim na NBA championship ring.
“I’m not asking for too much, man. Just give me a sixth ring, damn it,†dagdag pa ng All-Star guard.