Oklahoma City umiskor sa Milwaukee; Nowitzki itinakas ang Dallas sa Chicago

MILWAUKEE -- Nai­wa­nan ng limang puntos sa fourth quarter, kinuha ng Oklahoma City Thunder ang pagkakataon para ipakita ang kanilang husay.

Umiskor si Kevin Du­rant ng 30 points at nag­tala naman si Russell Westbrook ng isang triple-double para bande­rahan ang Thunder sa 109-99 panalo kontra sa  Mil­waukee Bucks noong Sa­bado ng gabi.

Ginamit ng Thunder ang isang 19-2 atake sa fourth quarter para sa ika­apat nilang panalo sa hu­ling limang laro.

Imbes na opensa ang kanilang ipinanglaban, ang matibay na depensa ang ginamit ng Oklahoma Ci­ty para gibain ang Milwaukee.

“I told them we had to take some pride in our de­­fensive possessions,’’ sa­­bi ni Thunder coach Scott Brook. “It was an in­di­vi­dual effort by a lot of guys. Serge Ibaka did a phe­no­menal job protec­ting the basket and bloc­king and altering their shots. Russell and Kevin did a good job defending their pla­yers.’’

Kinuha ng Bucks ang isang five-point lead sa ka­agahan ng fourth quarter.

Anim na puntos at anim na turnovers ang na­gawa ng Milwaukee sa su­munod na tagpo.

Nalimita rin ang sco­rer ng Bucks na si Monta Ellis sa 9 points.

Tumapos si Westbrook na may 23 points, 10 assists at 13 rebounds. ha­bang nagdagdag si Ke­vin Martin ng 17 points.

Inaasahan namang ma­kakasama si Durant kay Larry Bird bilang ika­lawang NBA player na nagposte ng average na 28 points mula sa 50 per­cent fieldgoal shooting, 90 percent clip sa free throw line at 40 percent sa 3-point range.

Ginawa ito ni Bird no­ong 1986-1987 season.

Humakot naman si Ersan Ilyasova ng 29 points at 14 rebounds para sa Mil­waukee.

Sa Dallas, nagsalpak si Dirk Nowitzki ng isang three-pointer sa natitirang 2.9 segundo para itakas ang Dallas Mavericks kon­tra sa Chicago Bulls, 100-98.

“This game was kind of like the story of our season,” wika ni Nowitz­ki, tumapos na may season-high 35 points.

Iniwanan ng Bulls ang Mavericks mula sa isang 12-point lead sa fourth quarter, ngunit iniskor ni Nowitzki ang huling wa­long puntos ng Dallas sa ka­nilang 15-1 atake sa hu­ling 3:30 minuto sa la­ro.

Matapos ang mintis na dalawang free throws ni Jimmy Butler sa hu­ling 15.9 segundo para sa Bulls, sumalaksak si Vince Carter at pinasahan si Nowitzki na nasa 3-point line.

Isinalpak ni Nowitzki ang isang tres sa kabila ng paghabol sa kanya ni Lu­ol Deng.

Itinaas ni Nowitzki ang kanyang mga kamay ha­bang pabalik sa Dallas bench.

Tumalbog naman ang jumper ni Chicago pointguard Nate Robinson sa pagtunog ng final buzzer na nagtabla sana sa laro pa­tungo sa overtime.

Show comments